Kris ipasusuot sa bagong BF ang ginawang loom band


Nagsalita si Kris Aquino about the possibility of having a new relationship. While she said na wala pang kasiguruhan na magkakadyowa siya matapos ang naudlot na love affair kay Mayor Herbert Bautista, itsinika ni Kris na kung sakali mang magkakaroon na siya ng boyfriend ay madali naman itong matutukoy.

Say kasi ng hitad, she will ask her future boyfriend to wear a loom band na gawa niya. Yes, gumaya na si Kris sa latest craze ng mga kabataan ngayon, aliw na aliw na rin siya sa loom bands kaya naman gumawa siya ng sarili niyang version na kulay dilaw.
And since her announcement about her next boyfriend wearing her loom band, marami siyempre ang nag-react. “Mga ilang araw lang may announcement na naman yan tungkol sa lalaki.

Tapos biglang aatras yung lalaki, like yung ginawa sa kanya ni HB. dapat kasi yung guy ang mag announce, hindi ikaw para hindi ka nakakahiya sa mga tao. sabagay sanay ka na sa kahihiyan kaya okay lang yun sayo. hobby mo na yung word na hiya,” sarkastikong comment ng isang guy.

“Walang kadala dala, wait for Mr Right, in God’s time, wag masyado atat, in the end kaw na naman ang broken hearted,” susog pa ng isa. Pero mas marami ang hoping na makahanap na si Kris ng tamang lalaki para sa kanya.

“Go go go Ms Kris. Kahit ano pang sasabihin ng madlang pipol sayo u r still no. 1 to me. People who expressed their negative comments against you, obviously they are jealous of you.being a single mum who works hard for her children and always with them is one of your greatest achievement in life.God Bless always!”

“Sana mahanap mo na yong lalaking talagang magmamahal sayo ng tapat at mamahalin din ang mga anak mo.”

( bandera.ph file photo )

Read more...