Female PBB housemate garapal ang panloloko kay Daniel

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Merong bagong issue sa Pinoy Big Brother and it involves one of the housemates, ang isinusumpa ng KathNiel fans na si si Loisa.

Pinalalabas kasi ni Loisa na first time niyang makita sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang pumasok ang dalawa recently sa Bahay ni Kuya.

Ang kaso, biglang naglabasan ang photos ni Loisa kasama sina Daniel at Kathryn sa isang event yata. Ayun, nabuking ang pagsisinungaling niya. Actually, binash si Loisa sa social media dahil doon.

“So ibig sabihin hindi lng 1st tym mag meet ang loisa kathniel talagang napakasinungaling ang nagbalita na nga un lng sila magkita super duper sinungaling yan ay naku walang lihim na di maibubunyag kahit patong patong ang pangtakip mo lalabas at lalabas ang baho u,” mataray na comment ng isang guy.

Naku, ano ba naman itong PBB hindi nawawalan ng issue. Parang palagi na lang itong nagpapakontrobersiyal para pag-usapan dahil walang kadating-dating ang mga housemates. Isa nga ito sa hindi nagre-rate na show ng Dos ngayon.

Read more...