Kathryn pinatawad si Jane: Sa susunod mag-ingat ka na!


Nag-sorry na si Jane Oineza kay Kathryn Bernardo sa kanyang no comment na sinabi when her fellow housemates asked her kung nagparetoke siya ng kanyang mukha.

Nang nasa loob ng Bahay ni Kuya si Kathryn at si Daniel Padilla ay nagkaroon ng face off between Kathryn and Jane. Ayun nga, naungkat ang nakakaintrigang no comment statement ni Jane.

Madali namang napatawad ni Kath si Jane at sinabing  “maging extra careful ka next time.” So, all’s well that ends well between the two friends. Naging malaking issue ang intrigang nagparetoke si Kathryn.

Walang nagpaawat sa fans niya, lahat sina binash nang husto si Jane. Kung anu-ano ang itinawag nila sa dalaga, kesyo plastik ito, insecure at hindi mapagkakatiwalaan.

Meron pa ngang nagsasabing dapat ay i-force evict si Jane dahil sa kanyang sinabi. Now that Jane offered her apology to Kathryn, mapatawad kaya siya ng KathNiel fans?

( Photo credit to EAS )

Read more...