San Mig itotodo na ang lakas sa Game 4

Laro Ngayon
 (Araneta Coliseum)
8 p.m. Talk ‘N Text vs. San Mig Coffee

KUNG hangad ng defending champion San Mig Coffee na tapusin ang best-of-five PLDT Home Telpad PBA Governors Cup semifinals, ito’y mamaya at hindi sa Biyernes.

Kaya naman itotodo na ng Mixers ang lakas nila kontra Talk ‘N Text sa Game Four ng serye mamayang alas-8 ng gabi sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nakaiwas sa pagkakawalis ang Talk ‘N Text nang tambakan nito ang San Mig Coffee, 112-96 sa Game Three noong Lunes.  Nagwagi ang San Mig Coffee sa Game One sa overtime, 97-93, at nakaulit sa Game Two,  93-85.

 “Closing out is really the most difficutl part of a series. We were so relaxed in Game Three. We hope to play with more intensity and really close it out in Game Four,” ani San Mig   import Marqus Blakely na nalimita sa walong puntos sa Game Three.

Ayon naman kay Talk ‘N Text coach Norman Black, “We just avoided being swept. We hope we can do it again and return on Friday.”  Nakagawa ng tamang adjustment si Black at ginamit ang lahat ng kanyang manlalaro sa Game Three.

 “A ten-man rotation did not work in the first two games. We had to do something different. All the players I called on responded well,” ani Black. “San Mig still has the advantage but we hope to put pressure on them.”

Pinangunahan ni Ranidel de Ocampo ang Tropang Texters nang gumawa siya ng 24 puntos. Limang iba pang Tropang Texters ang nagtapos nang may double figures.

Read more...