ISANG text message ang natanggap ng Bantay OCW mula sa maybahay ng ating OFW na nasa Saudi Arabia.
Tatlong taon na si mister sa Saudi at ni minsan ay hindi pa bumalik. Sa kanilang pag-uusap ay umamin ito na may kinakasamang iba sa Saudi. Tinanggap na lamang ito ni misis sa kasunduan na patuloy itong magpapadala ng suporta sa kanilang mag-ina.
Ang malaking problema ni misis, nabuntis siya ng sariling anak. Edad 41 na si misis habang 41 years old siya samantalang 20 anyos naman ang kanyang anak.
Sa tono ng mensahe ni misis, matagal na nilang ginagawa iyon ng kanyang anak at hindi niya akalaing mabubuntis siya.
Plano niya sanang ipalaglag ang bata ngunit natatakot siyang magrebelde ang anak dahil tuwang-tuwa raw ito nang malamang buntis siya.
Gulung-gulo si misis sa kung ano ang gagawin, lalo na kung malaman ito ng mister ang tunay na pangyayari. Baka raw siya kasuhan nito o kaya ay tuluyang hindi na suportahan.
Ayon kay Atty. Elvin Villanueva, author ng librong “Gabay sa mga Karapatan ng OFW”, maaaring kasuhan ng OFW si misis ng infidelity at puwede siyang mag file ng annulment.
Dagdag pa ni Villanueva, sa ilalim ng batas ng Pilipinas, walang legal na isyu sa kasong “incest”. Hindi ‘anya ito kasong kriminal. Ang incest ay sexual activity o seksuwal na pakikipagtalik ng mga miyembro ng pamilya o di kaya’y magkakamag-anak o di kaya’y magkakadugo na magkakasama sa loob ng iisang tahanan.
Tungkol naman sa suporta ni mister, tanging ang korte lamang ang makakapagpasya kung dapat nang ihinto ni mister ang suporta sa pamilya. Sabagay, 21 years old naman ang sinasabi ng batas na majority age nang anak na dapat pang suportahan.
Gayong hindi na obligado sa suporta, wala rin namang batas na nagbabawal sa mga magulang na ipagpatuloy pa ang pangangalaga sa kanilang pamilya.
Ang malungkot lamang sa kaso ng pamilyang ito ay ang malubhang kasalanan na nagawa nang mag-ina.
ngayon madadagdagan pa ng isa pang kasalanan kung idadaan nito sa abortion ang pagpapasiya upang mawala na lamang sa kaniyang sinapupunan ang bata, sa pag-aakalang kaya pa nitong pagtakpan ang kanilang mga kasalanan.