Kunwaring pag-ibig

Sulat mula kay Adora  ng Libertad, Antique
Dear Sir Greenfield,
Ang sabi ng albularyo ay hindi raw ako mabubuntis ng lalaking asawa ko dahil raw ito ang tunay na minamahal ko.  Kaya sa apat na taon pagsasama ay hindi pa rin kami nakabubuo.  Ang akala ko nga ay buntis na ako dahil na-delay minsan kaya napaaga tuloy ang selebrasyon namin.  Pero sa totoo lang ay parang ayaw ko nang magkaanak ngayon.  Kung noon ay gustung-gusto ko, ngayon ay ayaw ko na dahil sa mataas na presyo ng pagkain at bilihin.  Napakahirap talaga ng buhay ngayon. Parang tama ang albularyo—hindi ko nga lubos na mahal ang kinakasama ko ngayon.  Ano ang dapat kong gawin?  July 13, 1995 ang birthday ko.
Umaasa,
Adora ng Libertad, Antique
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang Mariage Line (Illustration 1., arrow 1.) sa  palad mo. Ibig sabihin kung ang boyfriend mo na kinakasama mo ang unang lalaking dumating sa iyong buhay, tiyak ang magaganap, sa susunod pang mga panahon ay may ikalawang lalaki pang darating sa iyong buhay na siya na ngang makakatuluyan at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Cartomancy:
King of Spades, Jack of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing simula sa buwan ito, 10 pa ang lilipas, mawawala na ang bisa ng gayuma na isinagawa sa iyo ng boyfriend mo upang minsan pa ay muli kang makakikilala ng lalaking halos kasing edad mo rin. Ang lalaking nabanggit ang siyang mapapangasawa at makakasama habambuhay.
Itutuloy

Read more...