Wish ni Bea…si Zanjoe na sana ang huling lalaki sa buhay niya


Abot-langit ang pasasalamat ni Bea Alonzo sa suportang ibinibigay ng mga viewers sa Primetime Bida series nilang Sana Bukas Pa Ang Kahapon opposite Paulo Avelino na humataw agad sa ratings game sa pilot week pa lang.

Sey ni Bea, mas lalo silang na-inspire at ginanahan sa pagte-taping dahil sa taas ng rating na nakukuha nila, dininig daw ang dasal nila na sana’y mapantayan man lang ng SBPAK kundi man malagpasan ang tagumpay ng pinalitan nila sa timeslot na The Legal Wife.

Ayon sa tinaguriang Queen of Philippine Movies ng bagong henerasyon, hindi rin biro ang ginagawa niyang paghahanda sa bawat taping ng kanilang programa, dahil nga dual role ang drama niya sa serye.

“Tsaka, iba talaga ang soap kesa sa pelikula, kapag sa small screen, kailangan ay mas malaki ang acting mo. Kasi, karamihan sa mga nanonood sa atin ay nagluluto o kaya ay may ibang ginagawa.

“So, dapat sa unang reaction pa lang, sa isang nuance mo pa lang ay gets na nila. Unlike kapag manonood ka ng sine, tutok sila, e…nagpa-popcorn lang sila.

So, kahit na maliit lang iyong nuance mo, since it’s a big screen, e,” paliwanag  ng aktres na gumaganap bilang Rose at Emanuelle sa serye.

Mahirap, pero challenging daw ang gumanap sa dalawang magkaibang karakter, at pareho raw siyang nakaka-relate sa mga ito, “Si Rose, sa purity niya.

She’s very, very pure, until nga nagkaroon ng isang malaking-malaking pagbabago sa buhay niya. “Kaya, kahit na dumating siya roon sa paghahanap ng katotohanan, naiintindihan ko siya.

Si Emmanuelle, iyong strength niya as a woman,” sey pa ni Bea nang mag-guest siya recently sa Aquino & Abunda Tonight.
Marami rin ang kinikilig sa mga eksena nila ni Paulo na grabeng makipag-flirt sa istorya, “Ang ganda ng twist ng character ni Paulo at saka talagang nagampanan niya ng maayos.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, inamin ni Bea na kinilig siya nang sabihin ni Zanjoe Marudo na siya na ang huling babae sa buhay nito, kasabay ng pagsasabing sana nga raw ay sila na talaga ang itinadhana hanggang sa huli.

( Photo credit to bea alonzo official fanpage )

Read more...