Annabelle kay Esther Lahbati: Tumigil ka na…naiinis na ko sa’yo!


HINDI na rin nakapagpigil si Annabelle Rama sa patuloy na pag-e-emote ni Mrs. Esther Lahbati, ang nanay ni Sarah Lahbati. Niresbakan na rin nito ang mga pinagpo-post nito sa Instagram tungkol sa diumano’y pambabalewala sa kanila ng pamilya Gutierrez, lalo na nu’ng binyag ng kanilang apo na si Baby Zion.

“Hindi ko alam bakit may isyung ganu’n. Basta kami nagsaya sa party, nakita ko naman sila, akyat siya sa stage, nagpa-picture doon, nakita ko siya masaya naman siya.

‘Yung pag-alok ko ng pagkain sa kanya hindi naman masama ‘yun. Kasi number one kong ginagawa ‘yun. “Kapag may party lagi akong may baon na Tupperware kasi gusto ko talaga lechon.

Hindi ko naman sa kanya muna sinasabi, sa ibang bisita (din), ‘Maraming mga tira sa catering. Masarap ‘yung ulam. Gusto niyong mag-takeout?’ Lahat dun natutuwa, may kanya-kanyang takeout,” paliwanag ng mommy ni Richard Gutierrez.

Ito naman ang mensahe niya sa mommy ni Sarah, “Tigilan mo na ‘yang arte-arte mo, Esther. Ako ay naiinis na sa ‘yo. Huwag mo ako hamunin, hindi ako natatakot sa ‘yo! Tumigil ka na, tama na ‘yan!

“Sobra ka na, wala naman kasalanan pamilya namin, tinitira mo kami…Mag-post ka nang mag-post (sa Instagram) ‘pag hindi ako makatiis, yung tini-text ko sa ‘yo, ilalabas ko sa Twitter yun.

Tingnan ko lang!” ang matapang na pahayag ng talent manager.

( bandera.ph file photo )

Read more...