SINABI ng aktres/TV host at bunsong kapatid ni Pangulong Aquino na si Kris Aquino na nananalangin siya na hindi maaapektuhan ang friendship nila ni Jinggoy sa pagkakakulong nito.
“Sa pulitika, marami nang napagdaanan pero siguro napatunayan na we have remained friends and I pray that we will continue to remain friends,” sabi ni Aquino sa kanyang talk show na “Aquino & Abunda Tonight” kung saan kasama niya si Boy Abunda.
Inamin ni Aquino na kinausap siya ni Estrada bago at pagkatapos ng kanyang privilege speech sa Senado noong Hunyo 11.
Ayon kay Aquino, sinabi sa kanya ni Estrada na nag-aalala siya para sa kanyang mga anak, lalo na sa walong-taong-gulang na si Jill.
Aniya, hindi makakaapekto ang politika sa pagkakaibigan nila.
“Our prayers are with you. I am sure they have the best lawyers possible. To their whole family, we will be praying,” dagdag ni Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.