Galaw ng Numero: 7 at 2 ang mahiwaga

Dear David,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.

Pagod na ako. Sinisikap kong pag-aralin ang apat kong anak pero isa lamang akong tricycle driver. Makakarekober pa kaya ako?

Wala kaming sariling bahay at lupa, makapagpundar kaya ako? Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1969. Bigyan mo sana ako ng gabay sa pagtatagumpay.

Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.
JEROME NG DAVAO CITY

Dear Jerome,
MATALAS ang iyong imahinasyon.

Marami kang kakaibang bagay na naiisip, pambihira ang iyong mga idea at nahihiya kang ipaalam ito sa iyong mga kaibiggan kasi’y baka pagtawanan ka lamang.

Inobasyon, imbensiyon at pagpapasimuno sa hindi ordinaryong bagay o sistema ang susi sa iyong pag-unlad.

Hindi ka dapat magkasya lamang sa pamamasada lamang, gamitin mo ang traysikel sa pagnenegosyo.

Maaari ka ring pumasok sa pagmamanupaktura o pagdedesenyo ng mga handicrafts—nariyan ang buwenas mo. Taglay mo kasi ang mahiwagang No. 7.

Hawak mo rin ang mahiwagang No. 2 kaya’t maraming kaibigan mo ang kusang tutulong at aasiste sa iyo upang matupad mo ang iyong mga pangarap kabilang din ang pagpapatapos sa pag-aaral ng iyong mga anak at pagkakaroon ng sariling bahay at lupa.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong  2014  at 2017  kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan at pagpupundar ng house and lot.

Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 11, 18, 27, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Kulay berde ang buwenas mo.

Sa suertres, isama mo sa No. 7 at No. 2 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-18-23-27-33-39-40-42.

ASSET tips: 6-9-3/ 3-2-7/ 7-1-8. Wiretips: 3-2-6/ 8-2-1/ 8-2-7. Double digit: 1-6/9-2/ 1-5. Luzon guide; 1-5-22-28-33-37-40-41. Vismin; 1-6-11-19-23-24-26-34-35-38-40-42. MegaLotto; 1-5-11-19-22-28-34-37-40-42.  Grand Lotto: 3-7-11-18-23-26-45-48-50-54. Four Number: 2-1-4-8/ 8-2-1-3/ 8-2-2-7.

Read more...