Nikki malungkot sa pagtsugi sa ‘E-Live’

HALOS hindi namin nakilala si Nikki Gil sa suot niyang pink shirt, maong pants at makislap na pink espadrille shoes after ng showbiz talk show nila na Entertainment Live last Saturday.

Nagmukha kasi siyang teenager sa suot niya plus ang nakababatang look na short hair niya, huh!

Aminado si Nikki na sad siya sa pagtatapos sa ere ng E-Live sa darating na Sabado.

Sobrang love niya kasi ang pagho-host ng show plus ang magandang samahan din nila ng staff headed by their Business Unit Head na si Louie Andrada at executive producer na si Grace Manuel.

Kaya dapat abangan sa Sabado ang super special last airing ng programa.

“Pero kung ako sad na sad what more sina Luis (Manzano) at Bianca (Gonzales) na mas matagal na sa akin sa E-Live I’m sure mas lungkot na lungkot sila sa akin,” sambit ni Nikki.

Ang nakakabawas-lungkot kay Nikki ay ang pagkakaroon niya ng bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Mundo Man Ay Magunaw.

Magiging tutok talaga si Nikki sa bago niyang teleserye na magsisimula na sa Lunes, Jan. 30, sa Kapamilya Gold dahil sa napaka-challenging role na iniatang sa kanya.

Bukod sa role, malaking hamon din kay Nikki sa MMM ang mahuhusay na artistang kasama niya sa teleserye gaya nina Eula Valdes, Tessie Tomas at Sylvia Sanchez sa direksyon ni Jeffrey Jeturian at Rechie del Carmen.

Nikki will play a very vital role sa MMM along with Empress.

Read more...