MINASAMA ng mga netizen ang pagngiti ni Sen. Bong Revilla sa harap ng camera habang siya’y kinukunan ng mug shots bago siya ikulong sa Camp Crame custodial center.
Ano namang masama kung ngumiti si Bong sa kanyang mug shot?
Pati ba naman yun ay pinapansin ng mga netizen sa Facebook at Twitter.
Wala na kasing magawa ang karamihan ng mga netizens.
Kahit anong basura ay sinusulat nila dahil wala silang ginagawa at nakatutok na lang palagi sa kanilang computer.
Karamihan sa mga netizen, partikular na ang mga bloggers ay walang trabaho o kaya ay hindi nakakahanap ng trabaho dahil wala silang qualifications o masama ang kanilang ugali.
Kaya’t ang ginagawa nila ay pumuna sa mga taong kanilang kinaiinggitan.
Karamihan pa nga sa kanila ay bading siguro dahil sa Facebook o sa Twitter lamang sila nakakakita ng pagkakataon na maibuhos ang kanilang sama ng loob sa mundo.
Mahirap kayang maging bakla o tomboy dahil sila’y inaalispusta ng lipunan sa kanilang kasarian.
Kaya’t matapang sila sa kanilang pagsusulat dahil di naman sila kilala ng kanilang binabanatan.
Kahit na ang Philippine National Police (PNP), na jailer ni Bong, ay nagsabing wala namang masama sa pagngiti ng action star-turned-senator.
“Hindi po bawal ang ngumiti sa mug shot,” ani Chief Supt. Reuben Theodore Sindac.
O, anong pinagpuputok ng mga butse ninyo?
Dapat tandaan natin ang isang kasabihan sa batas: Everybody is presumed innocent until proven guilty.
Lahat ng mga nasasakdal ay itinutu-ring na walang kasalanan hangga’t hindi pa sila nahuhusgahan ng korte.
Di porke idinemanda ang isang tao ay may kasalanan na siya.
Ipaubaya natin sa korte ang paghuhusga sa isang taong nasasakdal.
Yung nag-tweet sa akin na ako’y duduraan sa mukha kapag nagtagpo kami sa kalye ay bakla.
Napag-alaman ko ito nang ni-research ko ang pagkatao ng taong nagsabing aalipustahin ang aking pagkatao kapag nakita niya ako sa kalye.
Bakla pala si Inday Taray!
Kaya naman pala matapang.
Hay naku, baka kurutin ko ang iyong singit kapag nagkatagpo tayo, gaga!
Kung ang naging basehan sa hindi pagpili ng Pangulong Noynoy kay Nora Aunor bilang national artist ay tungkol sa moralidad, foul yun.
Kung totoo ang pagpasyang ibasura ang nomination ng aktres bilang National Artist ay dahil sa moralidad, aba’y sino naman ang santo?
Sabi nga ni Jesus ng Nazareth , huwag husgahan ang iyong kapwa upang di ka rin husgahan.
At meron pa ring Biblical passage tungkol sa paghuhusga: Ang taong nakatira sa isang bahay na puro salamin ay dapat hindi namumukol ng bato sa kanyang kapitbahay.
Pero ano naman ang kinalaman ng pagiging imoral ni Nora Aunor, kung totoo man ito, sa kanyang pagiging national artist?
Si Jose Rizal ay babaero.
Maging si Gregorio del Pilar na napatay sa pagkikilaban sa Pasong Tirad, ay babaero rin.
Ang bayaning si Juan Luna ay pumatay ng kanyang asawa.
Tigilan na natin ang pagbabalatkayo!
Lahat naman tayo ay makasalanan.