Robin awang-awa kay Ate Guy, nabwisit sa desisyon ni P-Noy

Isa si kaibigang Robin Padilla sa mga celebrities na very vocal sa pagsasabing deserving si Nora Aunor sa National Artist award.
“Hindi po talaga ako makapaniwala na ang isang Nora Aunor na may malaking naiambag sa ating industriya, ehemplo ng husay sa sining, inspirasyon ng luma at mga bagong filmmakers at artists ay tinanggihan ng Pangulo.

Ano pa ba ang kulang para lagdaan niya ang endorsment ng NCCA at CCP, ang mga ahensyang itinalaga ng batas na sumuri at mamuhunan ng pawis at dugo para ayusin ang mga tala ng kasaysayan?

Nakakalungkot,” ang sentimyento ni Robin nang makahuntahan namin during the announcement of MMFF official entries kung saan pumasok nga ang pelikula niyang “Bonifacio” sa magic 8.

( Photo credit to robin padilla oficial fanpage )

Read more...