Daniel binigyan ng ‘MEMO’ ng ABS kaya minamadali ang pagpasok sa PBB


MERON palang issue sa Pinoy Big Brother at ang nakakaloka ay may kumakalat na memo ngayon sa Twitter.Hindi namin alam kung authentic ang memo para kay Daniel Padilla na nabasa namin sa Twitter.

Narito ang laman ng diumano’y memo from PBB. “Ratings have not been good since Ms. Sandara Park has left the  house as a houseguest. We are asking you Daniel Padilla to enter the Big brother house for a period of time.

This will also serve as a promotion of your upcoming movie. Star Magic had issue also this and gave us a signal upon your entrance to the house – PBB management.”

Actually, sikat na sikat na si Daniel ngayon. Kahit na ano ang gawin niya, kahit saan siya magpunta ay pinagkakaguluhan siya. Sa mga mall nga, kinakailangan pang isakay siya sa van papasok para hindi magkaroon ng pandemonium.

Ganyan siya kasikat. Tiyak na makakatulong si Daniel para mas maraming manood ng reality show ng Dos. Ngayong hindi masyadong pinapansin ang mga kaganapan sa Bahay ni Kuya, they need Daniel to bolster interest in their program.

We feel na makakatulong talaga si Daniel sa naghihingalong rating ng show. Actually, kumalat na sa social media ang pagpasok nina Daniel at Kathryn Bernardo sa show. Ang dami ng nag-aabang sa love team nila, ang dami na ang na-excite.

Nag-teaser na ang show sa pagpasok ni Kathryn and we will not be surprised kung talagang mag-rate ang show. As for the memo, ewan kung true ito o hindi. But the thing is, ke true siya o hindi, it doesn’t matter anymore.

( Photo credit to EAS )

Read more...