Valerie Concepcion inakusahang kabit, hinaras at binantaan ng ‘Legal Wife’


Bukod kay Cherie Gil, isa pang humahataw na kontrabida ngayon sa mga serye naman ng GMA ay si Valerie Concepcion. Kasali siya sa early primetime series na My BFF starring Jillian Ward, Mona Louise Ray, Janno Gibbs at Manilyn Reynes.

Ibang atake naman daw ng pagiging kontrabida ang mapapanood sa kanya ng mga tao sa My BFF, medyo light lang daw ang role pero tiyak na kaiinisan din ng mga manonood.

“Dito naman, maiinis ka kasi ang arte-arte. Sobrang spoiled tapos ang landi-landi. Kahit may asawa si Janno (Gibbs), nilalandi niya.” Dito natanong si Valerie kung may mga nang-away na sa kanyang misis dahil sa pagseselos sa kanya, “Ay oo.

Kaya galit na galit ako, e. Ha-hahaha!  Wala naman akong ginagawa, napagselosan ako.” “Tinext ako! ‘Ay, hindi ako nag-reply. Wowowee pa noon. Kami pa ni Don Don (Hontiveros, PBA player) noon.

Sabi niya, ‘May balak ka bang sirain ang pamilya ko? Susugurin kita riyan sa studio niyo sa Wowowee.’ So ako, parang what the fuc***, e,  wala akong ginagawa. Unang-una, in-love ako sa ex ko noon.

So, parang ako talaga? Nainsulto lang ako, kasi wala akong kasalanan!” natatawang kuwento ni Val.

( Photo credit to valerie concepcion official fanpage )

Read more...