Raymart dedma sa pasabog ni Osang, sayang ang pera pag nagdemanda | Bandera

Raymart dedma sa pasabog ni Osang, sayang ang pera pag nagdemanda

Ervin Santiago - June 23, 2014 - 03:00 AM


AYAW nang patulan ni Raymart Santiago ang mga malilisyosong pahayag ni Rosanna Roces tungkol sa mga kasong kinasasangkutan nila ng estranged wife na wi Claudine Barretto.

Walang patumanggang nag-comment ng masasakit na salita si Osang laban kay Raymart sa isang Facebook post ni Claudine. Bukod sa tinawag na pandak, unano at gaymart ng dating sexy star ang Kapuso actor ay idinamay din nito ang dating bar ng kuya niyang si Randy Santiago, ang Ratsky’s sa Q.C..

Ayon kay Osang, saksi raw siya sa pagiging drugd den diumano ng nasabing resto-bar noon. Pero tumangging magkomento si Raymart tungkol dito dahil wala naman daw itong maitutulong na maganda para sa kanyang kaso laban kay Claudine.

“Hayaan mo na sila, siguro hindi naman bobo ang mga tao. Siguro alam naman nila kung sino ang nasa tamang pag-iisip. Hindi ko na lang masyado dinidibdib ang mga naririnig ko.

Puwede naman nilang sabihin kung ano ang gusto nilang sabihin, e,” sey ni Raymart sa isang interview. Sey naman ng abogado ng aktor, napag-usapan na rin ng pamilya Santiago ang tungkol sa mga patutsada ni Osang, pero ayaw na nila itong seryosohin.

Anila, itinuturing na lamang nila isang “fan” ni Claudine si Osang na isa sa mga bashers ni Raymart na hindi na dapat bigyan ng importansiya.

Meaning, wala nang balak si Raymart na kasuhan si Osang sa kabila ng mga pinagsasasabi nito laban sa kanya at sa pamilya Santiago. Naisip siguro nila na sayang lang ang pera at pagod nila.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending