Bianca tuloy ang batikos kay Bong

AWARE si Bianca Gonzales sa kaliwa’t kanan na pangba-bash sa kanya sa social media dahil sa pagbibigay niya ng comment sa pork barrel scam, especially  about the case of Sen. Bong Revilla, pero bakit daw quiet sa nude issue sa programa nila na Pinoy Big Brother.

Nagpaliwanag si Bianca kung bakit hindi siya naglalabas ng kanyang opinyon tungkol sa PBB. “Well, ako kasi when I heard about the task, ‘Ah, okey.’ Kasi ang dami na naming naging task sa past na controversial, risky, na-MTRCB din.

Meron din nga kahit hindi task, ‘yung ginawa ng housemate or whatever, na-MTRCB din kami. So, nagulat ako na this will be an issue. Hindi nila alam na tanong siya, yes or no.

Hindi siya para mag-pose sila ng hubad,” sey ni Bianca nu’ng makausap namin sa 37th Urian Awards. Hindi naman daw basta magbibigay ng task sa PBB ng ganoon lalo na’t alam nila na ikapapahamak at ikapapahiya ng isang housemate.

“It’s a yes or no task. Free talaga ‘yung housemate to say no. Except siguro nagka-dilemma sila kaya nag-yes muna, tapos nag-no. But, eto rin ang sinabi ng management, rest assured na every task, we really abide by the rules.

Hindi nga lang ng MTRCB kundi even ang ABS-CBN. Meron naman tayong ethical  and moral standards,” esplika ni Bianca.
Nagpaliwanag din si Bianca sa mga nangba-bash sa kanya tungkol sa comment niya kay Sen. Bong.

“May nag-tweet sa akin ng ganoon. I don’t think I have an opinion except na ngayon lang ako natanong.  Hindi naman ako nag-tweet only because if I do people would say, ‘Bakit mo dini-defend?’ Parang ganoon, ‘di ba?

If I don’t say anything, I’m quiet. If I say something, bakit mo dini-defend hindi ka naman tinatanong ng tao,” lahad niya.
Nangiti lang si Bianca sa mga nagsasabi na nakikisawsaw siya sa pork barrel issue on Sen. Bong, “Siguro i-backread nila lahat ng tweets ko for the past three years kapag may mga ganyan namang issue nagpo-post din talaga ako.

“And to be perfectly honest, ang dami pang mas malalang masasakit na salita na post ng ibang tao and ako as much as possible I want to share my opinion pero responsible pa rin ako sa words ko,” sey nito.

Pero Bianca tried not to be like that kasi mas gusto niya na maging civil sa comments niya. Kaya  wala siyang regret sa mga pinost niya na comment on Sen. Bong.

“Definitely, not,” diin niya. “May mga words pa siguro ako na na-post in the past na siyempre alam ko may family sila na nasaktan sa whatever bashing na makuha ng family member nila.

Pero part I guess ‘yun ng public life at saka part din ‘yun ng, wala, social media is there, e. Magpo-post talaga ‘yung mga tao ng opinion nila.” Sa kabila nito, tuloy pa rin daw ang pagpo-post niya ng kanyang comment.

“Oo, ita-try natin siyempre. Not because para kang nakikisawsaw or lahat na lang may say. Sa issue kasi, especially this issue, about sa kaban ng bayan, taxpayers, everyone naman talaga is concern,” sey pa ni Bianca.

( Photo credit inquirer news service )

Read more...