Cherie Gil diborsyada, naghahanap ng bagong BF


Inihayag ni Cherie Gil that she’s officially divorced ng international musician husband niya na si Ronnie Rogoff. Dahil diyan, single woman ulit si Cherie.

“Ay! Oh, my goodness! Announcement! Announcement! But as far as he is concerned and I am concerned, we are the best of friends up to this day,”  tsika ni Cherie.

Wala pa raw siyang boyfriend now dahil kaka-divorce lang nga niya. Matagal na raw walang special someone si Cherie. And now na official na single na ulit siya, mas open pa raw siya ngayon to accept suitors.

Feeling ng iba baka nai-intimidate sa kanya ang mga lalaki, “Ewan ko nga ba bakit nauunahan ako ng batchmates ko,” pakli niya. Binanggit namin ang name ni Zsa Zsa Padilla as one of her batchmates sa showbiz na haping-happy sa kanyang lovelife ngayon, “Yun na nga ang sasabihin ko.

Ewan ko ba kung bakit naunahan ako ni Zsa Zsa,” biro ni Cherie. “I’m very happy for her.” Open si Cherie na magkaroon ng boyfriend na Pinoy ulit basta magkasundo at masaya sila.

Pero sure siya na hindi niya type ang mas bata sa kanya, “You know what, I’m not defining it on age. Pero gusto ko syempre ka-mindset ko rin. Maybe someone who’s mature at saka nasa age group ko.

Not naman too young.” Isa bang malaking no ang magkaroon ng boyfriend from showbiz, “Kasi ‘yung mga ka-contemporaries ko puro mga kapatid ko sa industrya, ‘yun. Mga barkada ko sila, e. Maybe someone who belongs from another field naman.”

( Photo credit to EAS )

Read more...