Raymart, Claudine nagkaayos sa custody case ng 2 anak


Nagkaharap muli ang dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte nu’ng nakaraang Biyernes ng hapon sa sala ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Branch 192 sa Marikina Regional Trial Court.

Ito’y may kinalaman sa habeas corpus at custody case para sa kanilang dalawang anak . Dumating si Raymart kasama ang kuya niyang si Rowell at ate niyang si Rhea, with their legal counsel Atty. Ruth Castelo.

Kasama naman ni Claudine ang amang si Miguel Barretto, ang ate niyang si Mitchie, at ang abogado niyang si Atty. Ferdie Topacio.

Mahigit dalawang oras tumagal ang hearing at kapansin-pansin daw na parehong naka-smile ang dating mag-asawa paglabas ng korte. Ngunit, tumanggi ang mga ito na magdetalye kung ano ang napagkasunduan nila para sa kustodiya nina Sabina at Santino dahil nga sa inisyung gag order ng korte.

Pero ayon sa ulat, parehong masaya sina Raymart at Claudine sa naging usapan nila sa harap ng judge. Naging maayos daw kasi ang usapan ng estranged couple at naayos ang dapat ayusin sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Umaasa rin daw si Raymart na magiging bahagi siya ng birthday celebration ni Sabina next week. Ngayong araw talaga ang kaarawan ng bagets pero sa susunod na linggo pa raw ang party nito.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang pagkakasundo nina Raymart at Claudine para na lang sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

( bandera.ph file photo )

Read more...