WALA ang pangalan ni Ms. Nora Aunor sa mga hinirang na bagong National Artist kaya naman maraming Noranians ang nagwawala at naggalit daw kay Kris Aquino dahil ang TV host daw ang humarang sa pirma ni Presidente Noynoy Aquino para aprubahan ang National Commission on Culture and Arts application ng magaling na aktres.
Si Mang Dolphy daw kasi ang bet ni Kris at hindi si Nora kasi nga kaibigan daw nito si Zsa Zsa Padilla na long time partner ng Comedy King. Tinanong namin si Kris kahapon tungkol dito at ang sagot niya sa amin, “Sorry to be clueless.
OA lang level ng work and pagod. Tito Dolphy is National Artist?” balik-tanong niya sa amin. Walang alam si Kris dahil first time namin siyang naringgan ng ganitong sagot at muli naming ikinuwento ang isyu.
“Reggs, no comment kasi hindi ko nga alam story. Super nag-advance kami for Kris TV because I leave for Macau next week for Asian Rainbow Awards, tapos month long 3rd anniversary ng show.
“I’m travelling to Chiang Mai in Thailand then may Siquijor and Dumaguete, tapos shooting na si Bimb with Vice, me with Coco. Sobrang GANDA ng script of Feng Shui 2,” pahayag pa niya sa amin.
Clueless nga ang Queen of All Media dahil kung may alam siya, e, hindi niya makokontrol na hindi magsalita at ipagtanggol ang sarili sa isyu.
Samantala, ang mga nahirang na bagong National Artist ay sina Ms. Alice Reyes (Dance), Francisco Coching (Visual Arts), Cirilo Bautista (Literature), Francisco Feliciano at Ramon Santos (Music) at Jose Ma. Zaragoza (Architecture).
( Photo credit to inquirer news service )