‘Part 2’ ng mga pelikula nina Kris, Vic, Vice at Dingdong pasok sa MMFF 2014 ‘Magic 8’ | Bandera

‘Part 2’ ng mga pelikula nina Kris, Vic, Vice at Dingdong pasok sa MMFF 2014 ‘Magic 8’

Ervin Santiago - June 21, 2014 - 03:57 PM


APAT sa napiling walong official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2014 ay puro “part 2” ng mga blockbuster movies nitong  mga nakaraang taon.

Kahapon pormal nang in-announce ni MMDA at MMFF chairman Atty. Francis Tolentino ang mga pelikulang napasama sa magic 8 para sa December filmfest.

Pasok ang part 2 ng horror-suspense movie na “Feng Shui” nina Kris Aquino at Coco Martin under ABS-CBN and Kris Aquino Productions, pati na rin ang “Kubot: The Aswang Chronicles 2” ni Dingdong Dantes ng Reality Entertainment, Agostodos Pictures at GMA Films, ang part 2 ng comedy film na “Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda, at “My Big Bossings Adventures” (part 2 ng My Little Bossings) nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon ng Octo Arts, M-Zet Films at APT Entertainment.

Ang apat pang pelikula na lalaban sa taunang MMFF ay ang “Bonifacio: Gusto Mo Ba Siyang Makilala?” ni Robin Padilla (Philippians Productions), “English Only, Please” starring Sam Milby and Angeline Quinto under Quantum Films and Heaven’s Best Entertainment), “Magnum Muslim .357” (Scenema Concepts) ni ER Ejercito, at “Shake Rattle & Roll 15” (Regal Entertainment) nina Carla Abellana at Dennis Trillo.

In-announce rin ni Atty. Tolentino ang dalawang entries na malalagay sa waiting list – ang “Kid Kulafu” nina Cesar Montano at Alessandra de Rossi at “Kung Ang Hanap Mo Ay Ligaya Sa Buhay” nina Boots Anson-Roa at Ronnie Liang – sila ang ipapalit kung sakaling may entry na umatras sa laban.

Sinabi pa ni Tolentino, umaasa ang MMFF organizers na sa walong napiling entries for this year ay malampasan pa ang P1 billion na kinita last year. Aniya, “We are optimistic that this year’s festival will be more exceptional as it marks its 40th year since its conceptualization in 1974.”

Ito na ang magiging huli niyang termino sa MMFF dahil sa plano niyang pagtakbo sa 2016 elections. Samantala, nalungkot naman ang Noranians dahil hindi pumasok sa magic 8 ang pelikula ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, ang “Whistle Blower”. Sabi nga ng isang nakausap namin, tila sumobra naman ang malas ni Ate Guy kahapon.

Bukod kasi sa pagkakaetsapwera ng kanyang filmfest entry ay nalaglag din ang pangalan niya sa listahan ng mga itatanghal na National Artist para sa taong ito.

Sey naman ng isa pang nakachika naming Noranian, para namang masyadong kinawawa si Nora – as in na-botacha daw nang todo ang Superstar – as in double dead!

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending