Maja mas may ‘K’ tawaging Dancing Queen kay Marian


May labanan pala sa title sina Marian Rivera at Maja Salvador. Kung si Marian ang Philippine Queen of Dance Floor, si Maja naman ang Philippine Dance Princess. Kaloka ang mga title, ha!

But as it is, mukhang lamang na lamang si Maja when it comes to support from the people sa social media. Mas karapat-dapat daw sa titulo si Maja kaysa kay Marian.

Having watched both of them dance on TV, mas graceful, mas maganda at mas mahusay sumayaw itong si Maja kaysa kay Marian. “Anu ba yan lahat na lang ng Queen inangkin pero yung totoo Flop Queen tlaga ang bagay sa kanya,” say ng isang fan na ayaw kay Marian.

“Wow… self proclaim n nmn ang gma oh.. lahat n lng ng title ibigay o ikabit n nla k marian… la p xa npatunayan pra tawaging queen of dance floor.. kawawa nmn ung true dancers tlga like maja.. khit nfa k shaina d xa uubra pgdating s sayaw,” say pa ng isa.

Ang feeling naman ng isang guy naman ay hindi bagay kay Marian ang kanyang bagong title, saying, “Inangkin nang lahat di naman makanya kanya… kakatakot kung kuyugin siya ng mga totoong dancers at makipag showdown.”

“Galing. all of the talents of abs..awesome ung hataw with g force…d nya nid tapatan ung kbila dahil ibng level cla…ung kbila makakendeng lng magaling….hhheehe…hihi peace..coment lng po.”

“Yes naman! Di lang puro kembot,” say naman ng maka-Maja.

( bandera.ph file photo )

Read more...