Raymart, Claudine may gag order

PINABUBUSALAN ng Marikina Regional Trial Court ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto hinggil sa kaso kung sino sa kanila ang dapat magkaroon ng kostodiya sa kanilang dalawang anak.

Nagharap sa Marikina RTC branch 192 ni Judge Geraldine Macaraig ang mag-asawa para pag-usapan ang posibleng arrangement para sa kanilang mga anak na sina Santino, 6 at Sabina, 10.  Closed door ang ginawangpag-uusap ng dalawang partido.

Kasama ng aktres ang kanyang ama na si Miguel nang humarap ito sa korte habang si Raymart naman ay kasama ang kanyang kapatid na direktor na si Rowell.

Dahil sa gag order na inisyu ng korte, tumangging magbigay ng pahayag ang mag-asawa sa kung ano ang naging arrangement nila sa kanilang mga anak.

Read more...