Sey ng mga OFW: Hindi maldita si Marian!
May mga Facebook friends kaming nagbigay ng update sa amin tungkol sa US tour nina Marian Rivera at Alden Richards.
Ibang-iba raw kasi ang nakita nilang Marian Rivera sa mga nababasa nilang negatibong reports dito lalo na ang tungkol sa pakikisalamuha nito sa ibang tao.
“She’s so adorable, she is funny and indeed very beautiful. Kahit 10 beses na kaming nagpa-picture sa kanya, game na game siya,” kuwento ng FB friends namin from San Francisco, USA.
Bonggang-bongga raw ang mga napanood nilang production numbers at talaga raw naging riot ang mga kadramahan ni Giselle Sanchez na kasama din sa show.
Inilarawan naman nilang katipo ni John Lloyd Cruz si Alden Richards na very yummy bukod daw sa pagiging mabait nito sa fans. “Now we are really bent on subscribing to Pinoy TV for us to watch their shows.
In all fairness, magagaling at mababait naman pala ang mga GMA talents,” hirit pa ng mga katropa namin sa FB. Aabangan daw nila ang self-titled dance show ni Marian sa Kapuso network na magsisimula na ngayong June 2, “She’s a good dancer.
Sexy and alluring. Parang lahat ng qualities ng mga original dancing diva (Gov. Vilma Santos, Maricel Soriano at Alma Moreno) nasa kanya na,” komento pa ng kaibigan namin.
Well, incidentally, sina Ate Vi at Maria nga ang dalawa sa mga mauunang guests sa Marian para makipaghatawan on stage sa GMA Primetime Queen.
Makakasama rin ni Marian bilang co-host sa show sina Christian Bautista at Paolo Ballesteros. Every week ding mapapanood si Julie Anne San Jose dahil meron siyang sariling segment sa show.
Speaking of Marian, naitanong namin kay Richard Gutierrez during the presscon of his upcoming GMA Films movie na “Overtime” kung sakaling imbitahan ba siya sa programang Marian ay papayag ba siya, lalo pa nga’t ginawa na niya itong “ninang” ng anak nila ni Sarah Lahbati (ninong din si Dingdong Dantes).
“Bakit hindi?” ang simple at natatawang tugon ng very proud father ngayong si Richard. Though never naman daw siyang naging dancer sa tanang-buhay niya, siguro naman ay may namana siya kahit paano sa kanyang amang si tito Eddie Gutierrez.
Masayang-masaya si Richard sa tinatawag niyang bagong buhay nila sa showbiz nang dahil sa anak na si Baby Zion. “Napaka-positive at nakaka-inspire to work.
Ibang klase ang adrenalin na naibibigay ng baby sa aming lahat,” sey pa ng bidang aktor ng “Overtime” na showing na ngayong July 2.
Si Lauren Young ang leading-lady ni Richard sa movie na idinirek ng college-classmate naming si Earl Ignacio at ni Wincy Ong.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.