Pacman nais makasagupa ni Algieri sa taong ito

ANG Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at hindi ang pagharap uli kay Ruslan Provodnikov ang nais ni Chris Algieri para sa kanyang ikalawang laban sa taong 2014.

Sa panayam ng ESPN, mataas din ang kumpiyansa ng 30-anyos na kampeon ngayon ng WBO light welterweight division na makukuha niya ang karapatan na labanan si Pacquiao.

“Very realistic,” wika ni Algieri sa paniniwala niya kung makakalaban niya ang multi-division world champion na si Pacquiao.

Tinuran niya ang nangyari nang siya ang pinili ni Provodnikov na harapin sa kanyang title defense, bagay na hindi inasahan ng sinuman sa boxing.

“I ended up getting it and I ended up winning it so why not get me the Pacquiao fight and see if I can. Do it again,” tila hamon pa nito.

Bumangon mula sa dalawang knockdowns sa first round si Algieri bago kinuha ang split decision panalo sa dating kampeon na si Provodnikov.

Nakita rin ang determinasyon at puso ng  American boxer nang kanyang tiisin ang pagkasara ng kanang mata dahil sa malaking putok at ang pagdurugo ng kanyang ilong.

May nabanggit ang Top Rank na malaki ang posibilidad na magkrus uli ang landas nina Provodnikov at Algieri bago matapos ang taon.

Pero hindi na dapat ito mangyari dahil pareho umano sila ni Provodnikov na nagnanais na kumita ng malaki sa pagbo-boxing at mangyayari lamang ito kung malaking laban ang kanilang susuungin.

Read more...