Galaw ng Numero: 6 at 9 mahiwaga

Dear David,
ISA ako sa masugid mong tagasubaybay at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.

Isa akong dating sundalo pero nag-resign na ako kasi’y delikado ang buhay ko at mas Masaya ako sa piling ng pamilya ko.

Gusto kong magnegosyo na lamang.

Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin?

Bigyan mo rin sana ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres  at lotto. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong  Setyembre 6, 1974.
DARWIN NG
DAVAO CITY

Dear Darwin,
SIX (6) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot iyong buhay. Buntala ng Venus at Mars ang kumokontrol sa iyong pagkatao.

Tama lamang ang iyong desisyon na umalis sa serbisyo.

Maari kasing manganib ang iyong buhay. Madali kang mabuyo sa  pakikipagtagisan.

Dapat ay masanay kong kontrolin ang emosyon upang malayo ka sa kapahamakan.

Masarap kang magmahal. Kapag nagging inspirado ka, walang imposible para sa iyo.

Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo tulad ng repair shop, rentals at transportation service.

Buwenas ka sa kulay maroon at red.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2013 at 2016  kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon mo ng matatag na kabuhayan.

Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes.

Sa suertres, isama mo sa No. 6 at No. 9 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-22-29-34-36-40-42.

ASSET tips: 2-5-7/ 8-3-5/ 2-7-1. Wiretips; 4-7-2/ 7-1-8/ 8-2-5. Double digit: 4-3-7/ 8-4/ 9-4. Luzon guide; 1-5-22-28-34-37-40-42. VisMin: 1-5-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto; 1-5-11-18-23-27-34-37-40-42. Grand Lotto: 3-6-11-18-23-26-34-37-44-47-50-54.  Four Number; 3-2-4-6-7-3/ 8-3-2-1-2-6/ 8-2-3-2-3-1.

Read more...