Star Cinema nagalit sa mga nag-post ng litrato ni Sylvia

SYLVIA SANCHEZ

NAKITA namin ang promo manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario noong Miyerkules ng gabi at tinanong namin ang tungkol sa paglabas ng pictures ni Sylvia Sanchez na nakadamit lalaki sa social media na sinulat namin dito sa BANDERA.

Nabanggit kasi ng aktres na pagagalitan siya ni Mico dahil bawal pang ilabas ang nasabing mga larawan. Tomboy kasi ang role ni Ibyang sa pelikulang “The Trial” ng Star Cinema.

Maganda ang paliwanag ni Mico sa amin, “Actually, nakakainis kasi alam mo ‘yun, Reggee, may sinusunod na promo ang Star Cinema, lalo na matagal pa ang showing, so kung lumabas na sa social media at diyaryo, wala ng surprise.

“Isa kasi sana sa surprise ‘yung nakadamit lalaki siya, pero siyempre, hindi ko naman puwedeng sisihin ang mga nagsulat o pumik-ap sa post kasi once nai-post mo na, that’s for public consumption na.

“Hindi na tulad nu’ng 90’s na kapag first shooting/taping day ng isang project, nagpapapunta tayo ng reporters, TV crew para kunan, hindi na ganu’n ngayon, iba na ngayon,” dagdag nito.

Aminadong nagalit si Mico sa mga nakita niyang post sa Instagram ng ibang kasamahan ni Ibyang kaya talagang sinabihan daw niya ‘yung personal assistant na nasa set ng “The Trial” na tigilan na ang pagpo-post ng litrato.

Nabanggit sa amin ng promo manager na wala pang schedule kung kailan ang showing ng pelikula na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Richard Gomez at Gretchen Barretto, kasi nga ilang araw palang itong nagsu-shooting at ang konsentrasyon ng Star Cinema ngayon ay ang “She’s Dating A Gangster” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ipalalabas na sa July 16 sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Read more...