Maja bilang ‘Legal Wife’ ni Gerald: Ayoko pa, dahan-dahan lang muna!

MAJA SALVADOR

AYAW ding makasama ni Maja Salvador sa kahit anong proyekto ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson, pareho raw nilang desisyon ang huwag munang maging magkatrabaho sa pelikula man o telebisyon.

Sa presscon ng first major concert ni Maja, ang “MAJ: The Legal Performer” na magaganap sa July 12 sa Music Museum, sinabi ng singer-actress na hangga’t maaari ay kanya-kanya muna sila pagdating sa work, ito’y para mapanatili pa rin ang privacy ng kanilang relationship.

“Napag-usapan na kasi naman ‘yan, e. Mas maganda kung nakahiwalay yung sa amin at yung sa trabaho para mas makatrabaho kami maigi,” sey ng dalaga.

Chika ni Maja, kahit sobrang busy ng schedule nila ni Gerald, sinisiguro nila na may time pa rin sila para sa isa’t isa, “Mahirap yung schedule namin ngayon pero magagawan at magagawan ng paraan ‘yan.”

Sunud-sunod ang magagandang proyektong dumarating ngayon kay Maja at ang sabi nga ng marami, mukhang swerte siya kay Gerald, “Oo naman, isa siyang malaking blessing sa buhay ko!”

Samantala, nakatakda sanang magbakasyon si Maja sa Bali o sa Morrocco pagkatapos ng The Legal Wife dahil talaga raw naubos ang lakas niya sa nasabing serye. Pero aniya, ayaw naman niyang sayangin ang iba pang opportunities na dumarating sa kanya, “Meron dapat npero nilagyan pa rin. Meron akong bakasyon dapat for one week. Pero siyempre ‘pag may blessing na dumating, yun muna ang uunahin, work muna.”

At dahil malapit na ang kanyang “MAJ The Legal Performer” concert sa Music Museum, isiningit na rin ng Star Magic at ng Hills & Dreams Events Concepts Co., ang producer ng kanyang show, isiningit na rin ang presscon nito kahapon. Kuwento ni Maja, dito niya patutunayan na isa na siyang tunay na performer, tulad ng nasa title ng kanyang concert.

Asahan daw ng mga manonood ng “MAJ” ang kanyang mga breathtaking performances. Meron daw siyang Jaya medley (bata pa raw siya talagang favorite na niya ang Soul Diva), hahataw din siya on stage with the songs of Beyonce, Britney Spears, Jennifer Lopez at marami pang iba.

At siyempre, hindi mawawala sa kanyang repertoir ang sikat na sikat na kanta niya, ang “Dahan Dahan Lang”. Sabi nga ng entertainment press, ang ang landi-landi ng pagkakakanta niya, may “L” kumbaga. “Kasi sabi ng producer ko, dapat ganu’n ang pagkanta ko. Tsaka arte ko lang naman ‘yun. Hindi naman talaga pang-diva ang boses ko, kaya arte na lang! Ha-hahaha!”
Ilan sa magiging special guests ni Maja sa kanyang concert ay sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil at Piolo Pascual. This is directed by Johnny Manahan. For ticket inquries, call Ticketworld o go kayo sa ticket office ng Music Museum. Ilan sa major sponsors ng “MAJ” ay ang Robinsons Communities, Ivana, Jet 7 Bistro, MYX, ASAP 19 at Ivory Records.

Samantala, wala nang isyu kay Maja Salvador kung magkatrabaho muli sina Gerald at Kim Chiu, aniya, maayos na ang relasyon nila ng dating best friend. “I’m very happy na magkatrabaho sila ulit kasi ang dami nilang fans.

“Para sa akin napaka-importante na napagbibigyan ang fans kasi ang laki ng utang ng loob nila sa fans nila. So happy ako na okay silang magkatrabaho,” chika ng singer-actress.

“Nagkakausap kami lagi sa ASAP, lagi ko siyang kasayaw. Wala lang kaming text pero kung paano kami magchikahan, kung paano kami magtawanan, ganoon po. Lahat positive. Positive po tayo kaya marami tayong blessings,” sey pa ng dalaga.
Umaasa pa ba siyang magiging mag-best friends uli sila ni Kim, “Parang happy na ako na nag-uusap kami pero ayaw kong ipilitna ibalik kung ano man ang dati kasi darating ‘yon in time po.”

Sa tanong kung handa na ba siyang maging legal wife ni Gerald, “Kung darating, darating yan, pero sa ngayon, wag muna, sabi nga sa kanta ko, dahan-dahan lang!”

Read more...