Claudine, Raymart parehong mainit, nag-isnaban sa korte


Nakita namin ang photo nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na pinagigitnaan ng mga magulang ng dating aktres na sina Mike and Inday Baretto.

Halatang tensyonado ang dalawa, hindi sila nagpansinan sa pagdinig ng kasong child abuse against women and children na isinampa ni Claudine kay Raymart.

Nakasimangot si Claudine sa nakita naming photo, never siyang nag-smile at parang mainit ang kanyang ulo. Mabuti na lang at sinamahan siya ng kanyang mga magulang, kung hindi ay baka nakatikim ng taray si Raymart sa kanya.

Si Raymart rin ay mukhang seryoso sa mga photos na naglabasan, walang smile-smile, halata mong may pinagdadaanang mabigat sa buhay. Nag-isnaban nga ang dalawa sa korte, proof na hindi na maaayos pa ang kanilang samahan.

( bandera.ph file photo )

Read more...