MiraBella nina Julia at Enrique 3 linggo na lang


Tatlong linggo pang mapapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang fantasy series na MiraBella nina Julia Barretto at Enrique Gil, kaya wag munang malungkot ang sumusubaybay sa programa.

Akala kasi ng iba ay matatapos na ito sa susunod na linggo dahil sa itinatakbo nga ng kuwento ng MiraBella ay parang nalalapit na nga ang ending nito.

Sabi nga nina Julia at Enrique, napakarami pang mangyayari sa kuwento nina Mira at Bella kaya huwag na raw bibitiw ang manonood.

Sa kanyang official Twitter account, nanawagan si Julia na tutukan ng kanyang followers ang huling tatlong linggo ng programa, “It’s the last 3 weeks of Mirabella. I’m hoping you guys don’t miss an episode starting tonight!

#MirabellaThePeopleVsBella.”  Ang nasabing serye, sa direksiyon nina Erick Salud, Jerome Pobocan at Jojo Saguin, na talagang naging bahagi na rin ng buhay ng mga Kapamilya viewers gabi-gabi bago mag-TV Patrol.

I’m sure mami-miss ng kanilang fans sina Julia at Enrique kapag natapos na ang MiraBella under Dreamscape Entertainment, pati na rin ang iba pang cast members, tulad nina Sam Concepcion, Mika dela Cruz, Pokwang, John Lapus, Mylene Dizon, James Blanco at Gloria Diaz.

( bandera.ph file photo )

Read more...