Matteo: 25 na si Sarah, gusto na niyang maging independent!


WALANG reklamo si Matteo Guidicelli kung hinihigpitan pa rin sila hanggang ngayon ng mga magulang ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo pagdating sa pagde-date.

Ayon kay Matteo, naiintindihan niya ang parents ng Pop Princess kung maging istrikto man sila sa kanilang anak, karapatan daw ‘yun ng bawat magulang at never daw niyang kinuwestiyon ang pagiging protective ng mga ito kay Sarah.

“Dapat lang (magpaalam),” ani Matteo, pero ipinagdiinan niya na 25 years old na ang dalaga at may karapatan na ring magdesisyon para sa kanyang sarili.

“She can do what she wants to do. She is very blessed and deserves it all. She deserves to be happy and she deserves to do what she wants to do,” anang hunk actor.

Wala rin daw problema sa kanya kung kailangan pa niyang ipagpaalam si Sarah kapag sila’y magde-date kasama ang kanilang mga kaibigan.

Pero totoo bang natatakot at kinakabahan siya kapag kailangan na niyang magpaalam kina Mommy Divine at Daddy Delfin?
“Hindi naman.

As long as we respect the parents, that’s the most important thing. And to not do anything outside, not to do anything rude,” anang aktor.

Sa presscon ng third season ng talent show for kids ng ABS-CBN ang Promil i-Shine Talent Camp, kung saan isa siya sa mga host, nakiusap si Matteo na huwag na siyang pilitin na magdetalye tungkol relasyon nila ng singer-actress.

Pero aniya, natutuwa siya na unti-unti nang nagiging open ang dalaga kung anuman ang meron sila ngayon. “I’m also very happy that slowly she’s being exposed to different people and she’s enjoying more.

Nakilala na niya ang mga friends ko, dapat kasi may bonding din sa lahat, di ba?” sey pa ng binata. Ano naman ang masasabi niya na siya raw ang dahilan kung bakit sobrang blooming ngayon ni Sarah, “I don’t think it’s because of me, I think it’s her.

She deserves all the credit. She’s 25 and she just wants to be independent woman. She’s growing and I’m very proud of her. Everybody around her is proud of her and we are excited to see 25-year-old Sarah Geronimo.”

( bandera.ph file photo )

Read more...