RC Cola-Air Force, Generika-Army maghaharap

 Games Today
(Cuneta Astrodome)
2 p.m. Generika-Army vs RC Cola-Air Force (women’s)
4 p.m. PLDT Home TVolution vs Cignal HD (women’s)
6 p.m. PLDT-Air Force vs IEM (men’s)
Team Standings: (women’s) Petron  (3-0); RC Cola-Air Force (4-1); AirAsia (3-2); Generika-Army  (2-2); PLDT Home TVolution  (2-3); Cagayan Valley    (2-4); Cignal   (0-4)
(men’s) PLDT-Air Force       (4-0); Cignal HD (3-1) Systema   (2-2); IEM (1-3); Via Mare (0-4)

MAGKAKASUKATAN ngayon ang mga matitikas na koponan ng Generika-Army Lady Troopers at RC Cola-Air Force Raiders sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome.

Bitbit ang dalawang sunod na panalo, ang Lady Troopers ay mapapalaban sa Raiders. Pakay nito  na manatili sa ikalawang puwesto sa pitong koponang liga na inorganisa ng Sports Core at sinusuportahan  ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, LGR, Jinling Sports Equipment,  Bench at Healthway Medical.

Ikatlong panalo matapos ang anim na laro naman ang nakataya sa  PLDT Home TVolution Power Attackers sa pagharap nito sa wala pang panalong Cignal HD Lady Spikers sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Read more...