Carla sa panliligaw uli ni Geoff: Sa totoo, ayoko talaga!


Blooming si Carla Abellana ngayon, wala nang bahid ng kabiguan sa pag-ibig ang kanyang itsura. Meaning, totoong nakalimutan na niya nang tuluyan ang ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.

Bakit nga ba ang fresh-fresh niya ngayon? “E, kasi nakahinga na ako, parang ganu’n,” chika ni Carla sa presscon ng bagong GMA sitcom na Ismol Family na magsisimula na sa sa darating na Linggo kung saan gaganap silang mag-asawa ni Ryan Agoncillo.

Bakit, stressed ba siya noong magdyowa pa sila ni Geoff, “Hindi naman stressed but, you know, in any relationship, may mga problems, may mga bigat kang dinadala.

As much as ayaw mong dalhin sa trabaho, as much as ayaw mong umiiyak ka or malungkot ka, siyempre artista tayo, kailangan naka-smile lagi.”

Very much single ngayon ang Kapuso actress, pero may mga umaali-aligid na sa kanyang mga boys. Pero ang tanong ng press, wala bang effort si Geoff na ligawan siya uli? “Hindi, hindi na siya nag-attempt.”

Paano kung type pa rin siya ng binata at pormahan uli? “Not anytime soon, honestly. Ayoko talaga. We’ll see… who knows, five years, 10 years from now, yung ganyan.”

( Photo credit to carla abellana official fanpage )

Read more...