OFW contribution sa SSS dapat ituloy

DEAR Aksyon Line:
Good day!

Ako po ay isang OFW na kasalukuyang nagta-trabaho dito sa Abu Dhabi, UAE. Nais ko lamang humingi ng mga kasagutan tungkol sa SSS. Nabasa ko ang column mo sa Bandera (on-line) kaya naisipan kong isangguni ang mga sumusunod:

1) Bilang pribadong manggagawa, ako po ay mayroon kabuuang 130 buwang hulog sa SSS (na hindi tuloy-tuloy o mayroon patlang dahil sa palipat-lipat na kumpanya). Sa gayon, ako ay naghulog muli sa SSS bilang OFW simula Oct. 2012 hanggang Dec. 2013 at nais kong ituloy hanggang Dec. 2014. Gusto ko pong malaman kung kailangan ko pa po bang ituloy ang hulog kahit ako ay mage-exit na for good sa Mayo 2014?

2) Kahit po ba hindi na OFW ay pwede pa rin magpatuloy ng hulog bilang OFW hanggang 60 taon gulang?
3) Pwede po bang malaman ang pag-compute ng matatangap kong “monthly pension” pagdating ko ng 60 years old? Para po sa inyong kaalaman ang aking SSS No. ay 0334… Thank you and hoping for your response. God Bless You!

Best regards,
JOSELITO G. BAJA
Equipment
Controller
Construction
Equipment Team RRE PJ – Pkg. 4 Ruwais,
Abu Dhabi
DAEWOO E &
C Co. Ltd.

REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Joselito G. Baja hinggil sa kanyang mga katanungan tungkol sa pagpapatuloy nang paghuhulog ng contributions bilang OFW at ang paraan ng pag-compute ng retirement pension.

Kapag si G. Baja ay mananatili na lamang sa bansa, hindi na niya maaa-ring ipagpatuloy ang paghuhulog ng buwanang kontribusyon bilang OFW. Pero maari siyang magpatuloy ng paghuhulog bilang voluntary o self-employed.
Ayon sa aming records, si G. Baja ay may kabuuang 145 monthly contributions sa kasalukuyan. Mas ma-kabubuti na ipagpatuloy ang paghuhulog ng contributions hanggang sa siya ay umabot sa edad na 60.
Subalit kapag siya ay magpapatuloy nang paghuhulog bilang voluntary o self employed, aming pinapayuhan si G. Baja na mas mabuti kung ang halaga ng kanyang buwanang hulog ay katumbas o mas mataas kaysa sa kanyang binabayaran bilang OFW.
Ang pagbaba ng halaga ng buwanang kontribusyon ay makakaapekto sa computation ng benepisyong kanyang matatanggap sa
hinaharap.

Para naman sa computation ng retirement pension, ang SSS ay gumagamit ng tatlong formula kung saan ang magbibigay ng pinakamataas na halaga ang siyang pagbabasehan ng magiging pension ng isang miyembro.

Ang mga sumusunod ay ang formula sa pag compute ng pension (ang CYS ay credited years of service at ang AMSC ay average monthly salary credit):
Unang computation: 300 + 20% of AMSC + (CYS-10) (2% of AMSC)
Pangalawang computation: 40% of AMSC
Pangatlong computation: With less than 20 CYS = minimum of P1,200 with more than 20 CYS = minimum of P2,400
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni G. Baja. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL
FRANCISCO
Social Security Officer I SSS Media Affairs
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7
hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...