Alex walang naitulong sa PBB kaya pinalayas na


Expected na ang paglabas ni Alex Gonzaga sa reality show ng Dos. Siyempre, kailangan nang umalis ni Alex sa Bahay ni Kuya para matuloy na ang taping ng kanilang teleserye na adaptation ng isang foreign soap opera kasama si Arjo Atayde.

Hindi na kami nagulat nang lumabas na si Alex. Sad to say, hindi siya nagmarka sa nasabing reality show, wala siyang nagawa para mapataas ang rating nito.

Actually, bwisit na bwisit nga sa kanya ang mga manonood dahil hindi naman talaga siya nagpakita ng totoo niyang personalidad.

Ang ate Toni naman ni Alex ay galak na galak sa paglabas ng kanyang younger sister sa Bahay ni Kuya. Nagpa-party pa yata ang hitad, as if naman major achievement ang makasama sa show na lahat na yata ay ginawa para lang pag-usapan including that controversial nude challenge sa dalawang housemates na babae na naging kontrobersiyal pa matapos ireklamo ang kabastusan daw ng show sa MTRCB.

( Photo credit to alex gonzaga official fanpage )

Read more...