Piolo: Sana magkausap uli kami ni Kc!

PASABOG sa The Buzz Magasin January issue ang eksklusibong artikulo ni Piolo Pascual tungkol sa hiwalayan nila ni KC Concepcion.

Sa The Buzz Magasin lang namin nabasa ang damdamin ni Piolo. After kasi na magsalita ni KC sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz ay hindi na nag-react pa si Piolo.

Inamin ni Piolo sa The Buzz Magasin na there came a point na nahirapan siya sa paga-adjust sa relationship nila ni KC.

Hanggang sa naghiwalay nga sila ni KC at ‘di na lang nagbasa si Piolo ng mga kung anu-anong isyung naglabasan.

Malinaw na sinabi ni Piolo na he’s okey and God is good. At sana raw ay makapag-usap sila ni KC.

Pero habang ‘di pa nangyayari ‘yun, tuloy-tuloy pa rin naman ang takbo ng career ni Piolo.


Balik pagpo-produce rin si Piolo via  “Kimmy Dora 2” starring Eugene Domingo at nagsimula na rin siya para sa bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Padre de Pamilya kasama sina Christopher de Leon at Jericho Rosales.

Last Saturday, napanood naman natin siya sa espesyal na episode ng  award-winning and longest drama anthology on TV na Maalaala Mo Kaya.

Gumanap si Piolo bilang hired killer sa programa ni Charo Santos.

Nagsilbi ring birthday episode for Piolo ang nasabing MMK episode. He celebrated his birthday last Jan. 12.

Puno ng aksyon ang episode ni Piolo sa MMK kung saan gumanap siya bilang si Randy na isang mabuting anak at kapatid na napilitang maging isang hired killer matustusan lang ang pangangailangan ng  kanyang pamilya.

Read more...