Relasyong Vic-Pauleen haharangin ni Oyo boy?

Hindi matanggap ang kanilang pagmamahalan

Hindi pabor si Oyo Sotto sa Vic Sotto-Pauleen Luna relationship.

We are reminded once again why we always like Oyo for being straightforward, honest and low key nang binisita namin ang set ng pinakabago niyang primetime soap for TV5 na Valiente co-starring Nadine Samonte, Nina Jose and JC de Vera sa direction ni Joel Lamangan.

Magsisimula na ito this Feb. 13 kapalit ng Glamorosa and we were told sa Lipa, Batangas din ang presscon nito.

Recently in the news si Oyo for a controversial tweet na sabi ay pinatatamaan daw ang rumored girlfriend ng kanyang ama, si Pauleen nga na co-star nito sa Eat Bulaga.

Simple lang ang naging sagot ni Oyo about this: kung sino ang nasaktan sa patama niya, siya na ‘yun. Pinanindigan ni Oyo ang tweet niya ha, about this at hindi niya ito inalis or ni-retract.

For the record naman daw, wala siyang galit either sa ama niya or kay Pauleen. Hindi pa nga sila nagkakausap ng ama niya about this.

Hindi lang daw siya talaga pabor kung may relasyon ang dalawa dahil mas bata naman daw kasi si Pauleen sa kanya considering na anak na nga naman siya ni Bossing.

Otherwise, he never minded about the other girls na nali-link sa ama niya hindi ba?

Funny nga na ang isa pa, si Nina Jose, na co-star niya sa Valiente, nalili-link din sa kanyang tatay.

Read more...