Mga nang-aapi kay Julia natameme


NATAMEME ang mga bashers ng young teleserye princess na si Julia Barretto. E, kasi naman, unti-unti nang pinapatunayan ng bagets na meron din siyang ibubuga sa akting.

Sa itinatakbo ng kuwento ng kanyang kauna-unahang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang MiraBella kasama si Enrique Gil, ipinakita ni Julia na kaya rin niyang makipagsabayan sa magagaling na artistang kasama niya sa soap.

At isang patunay nga na bilib na ang mga manonood sa kanya, ay ang mataas na rating na nakukuha ng MiraBella gabi-gabi, in fairness, hindi pa rin natitinag sa ikalimang puwesto ang kanilang serye sa top 10 most-watched TV show sa buong bansa.

Feeling namin, good karma lang ang dumarating kay Julia dahil bukod sa professional sa kanyang trabaho ay mabuti rin siyang anak at kapatid. Hindi rin siya mapagpatol sa netizens na nambabastos sa kanya sa social media.

Sey ng youngstar sa mga naninira sa kanya, “Dedma na lang, ang mas mahalaga, ang daming blessings na dumarating at napakaganda ng pagtanggap ng TV viewers sa MiraBella.”

Ayon sa isang kapitbahay namin na araw-araw nakatutok sa teleserye nina Julia at Enrique, tuwang-tuwa siya sa anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, napakaganda raw kasing bata, at mukhang marespeto.

Sana raw ay huwag siyang gagaya sa mga tiyahin niya na nag-aaway-away. ‘Yun na!

( Photo credit to julia barretto official fanpage )

Read more...