Kris lalabanan si Bistek sa Pagka-Mayor ng Q.C. sa 2016


Pagbalik ni Kris Aquino sa evening show nila ni Boy Abunda tungkol agad sa kayamanan ang bungad ng Queen of All Media. That they are both rich ni Kuya Boy na true naman.

And then, sey ni Kris sa first subject nila that night is someone richer than them, si Manny Pacquiao. Hanga si Kris kay Manny dahil natupad ang pangarap niya na maging bahagi ng Philippine Basketball Association.

Hindi man natupad ang pinangarap niya na maging basketball player, may-ari naman siya ng isang buong team at coach pa.
Dahil diyan tinanong ni Kris si Boy kung sing-yaman niya si Pacquiao, ano ‘yung bibilhin niya na magpapaligaya sa kanya.

Sey ni Kuya Boy, bibilhin niya ang ABS-CBN at ang Boracay. Binalikan naman ni Kuya Boy si Kris kung ano naman ang sa kanya. “I don’t like…I was gonna say something but I want to be kind-hearted and quiet.”

Kaya sumundot naman si Kuya Boy ng, “A, so, you’re not going to buy anything.” Biglang sabi naman ni Kris ng, “I’ll buy a city. Ha-hahaha!”  City as in Quezon City? Ngek! Lagot si Q.C. Mayor Herbert Bautista niyan.

Baka imbes na si Vic Sotto ang makalaban niya sa pagiging mayor ng Kyusi, e, biglang magdesisyon ang Presidential Sister na tumakbo sa Q.C. sa 2016, huh!

( bandera.ph file photo )

Read more...