NAIBALIK ng Pilipinas ang dating kinang sa dragon boat nang kumulekta ang ipinadalang koponan ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) ng dalawang ginto at isang pilak sa kauna-unahang IDBF World Cup sa Fuzhou, China.
Nagkampeon ang bansa sa larangan ng premier mixed standard boat (20-paddlers) 100-meter at 500-meter habang pumangalawa sa 200-meter races.
Naorasan ang koponang sinuportahan ng Cobra ng 23.445 sa 100-meter para talunin ang Canada (23.825), China (24.049) at Hong Kong (25.127).
May pinakamabilis na 2:03.693 ang pambansang koponan sa 500-meter race para ilubog ang hamon ng China (2:03.94), Canada (2:04.553) at USA (2:04.709).
MOST READ
LATEST STORIES