HOROSCOPE, June 13, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, June 13, 2014

Madam Sophia - June 13, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tatanglaw ang Venus, Saturn at Moon sa iyong tadhana. Magkahalong suwerte at negatibong kapalaran ang darating. Panatiliin ang ugaling palasimba at madasalin. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yoga-Budha-Nanda” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa araw na ito ay baguhin ang ayos ng bahay. Ilayo sa dingding ng two inches ang kamang higaan. Panatiliing bukas ang bintana sa silangan. Dagdagan ng maraming ilaw ang sala. Sa ganyang mga pagbabago, lalo kang sasagana at liligaya.  Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 44 at 47. Mahiwag mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ngayon na ang tamang panahon upang mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, ayain ang minamahal sa tahimik na silid at doon n’yo pag-usapan ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 1, 6, 28, 37, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Narahayana-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemni – (May 21-June 21)— Wag palagpasin ang suwerte! Kung dumami ang pera, itabi ito upang may magamit sa panahon ng kagipitan. Kung uminit ang dating malamig na relasyon, saidin ng lubos ang kaligayahan—bukas makalawa lilipas din ‘yan. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Green at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Maikli lang ang buhay kaya gawin agad ang anumang bagay na nasa isip. Wag magpatumpik-tumpik. Lakas ng loob ang kailangan upang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 2, 16, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Nanda-Om.” Pink at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— “Sun” ang ruling planet mo. Habang hindi pa lubusang nagtatag-ulan, patuloy ang dating ng suwerte. Isang nilalang na nakakulay green ang lihim na naglalaway sa iyo – kilalanin mo siya dahil malaking halaga ang iaabot niya sa iyo. Mapalad ang 1, 8, 28, 40, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Om”. Bukod sa orange ang beige ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hayaang bumangka at magkuwento ang iyong kasuyo kaysa sa ikaw ang laging nagsasalita. Makinig nang mabuti sa kausap kaysa ikaw lagi ang pinapakinggan upang mas madali mong siya mapasang-ayon sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 5, 14, 22, 32, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Hani-Om.” Gray at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi lang emosyon at sekswal na aspeto ang nagpapaligaya. Ang salapi ay nagpapaligaya din. Simulan na ngangyong mag-ipon ng maraming-maraming pera upang sa iyong pagtanda habambuhay kang lumigaya. Mapalad ang 3, 13, 21, 27, 33 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Doysa-Mina-Om.” Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Muli mong makikita ang isang tao na dati ng nagbigay sa iyo ng suwerte. Sunggaban mo siya ng yakap sa muli ninyong pagkikita. Siya ang lulutas sa iyong mga problema. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Beeja-Om.” Voiolet at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag nang problemahin ang mga pagkakautang, kusa mo rin ‘yang mababayaran pagdating ng panahon. Sa pag-ibig, damhin ng lubos ang huling yakap ng kasuyo bago siya mangibang-bansa. Mapalad ang 2, 19, 29, 37, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harin-Aum-Arham.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Baka hindi mo napapansin na boring kang kasama? Magpatawa ka naman! Sa pinansiyal, kung lagi kang nakangiti ay mas maaakit mo ang mas maraming pera. Sa pag-ibig, kilitiin ang minamahal sa kilikili—hindi masama ang magbiruan. Mapalad ang 4, 8, 29, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Maya-Beeja-Blanca-Om.” Peach at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Wag pairalin ang pabago-bagong isip. Kung hindi ka magko-concentrate sa pag-iipon at pagtitipid, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, laging ilagay sa isip ang minamahal upang hindi ka magkasala. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag mong sayangin ang panahon sa kaiisip. Huwag nang magplano ng kung anu-anoat  kumilos ka agad. Sa pag-ibig, sugod lang nang sugod upang makasapol ng true love. Mapalad ang 7, 16, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending