Kris kay Bistek: Oo, winasak niya ang puso ko!

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

Diretsahan nang sinabi ni Kris Aquino na totoong winasak ni Q.C. Mayor Herbert Bautista ang kanyang puso. Sa kanyang Instagram account, nag-post ang TV host-actress ng isang picture kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng bulaklak.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Yes, He Broke My Heart, but 975,000 of you IG followers didn’t… So I’m back & here to stay… I went down to get a cup of chamomile tea & saw all these flowers, balloons & in my kitchen so many fruits & cookies & cakes etc…

God gently reminded me to stop giving importance to someone who hurt me & START CELEBRATING THE PEOPLE WHO LOVE ME! So I changed my username to @lovelovelovekrisaquino. (love, love, love) Good Night. Love you all. THANK YOU!”

Ito’y matapos ngang magpahayag ng pagkadismaya si Kris kamakailan dahil sa mga naging pahayag ni Bistek tungkol sa kanilang relasyon. Mas pinili raw kasi ng alkalde ang kanyang mga anak kesa kay Kris. Pero inamin naman nitong totoong minahal niya ang presidential sister.

Sa latest Instagram post ni Kris, sinabi nga nitong tuluyan na niyang kakalimutan si Herbert at mas pahahalagahan ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya.

Read more...