Mystery girl ni Mark ‘singer’ sa INC; Mark handa raw magpa-convert

SARAH GERONIMO AT MARK BAUTISTA

KAHAPON inamin ni Mark Bautista na merong isang babaeng gumugulo sa utak niya – ito nga ‘yung mystery girl na napanood niya sa NET 25.

Ayon kay Mark, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganu’n na lang ang kagustuhan niyang makita ang nasabing girl, “Parang there’s something na hindi ko alam kaya hinanap ko siya sa Facebook, Twitter and Instagram.”

Nakausap namin si Mark pagkatapos ng presscon para sa kanyang next major concert na “The Best of Me Concert” na magaganap sa June 21, sa Crowne Plaza Ballroom. Last week lang daw in-accept ng girl ang friend request niya.

“Actually, in-invite ko siya kung puwede ko siyang makasama sa music video ko tapos kung puwede siyang manood sa concert ko, sabi ko isama niya ang family niya, para makilala ko rin, e, hindi naman ako sinagot,” kuwento ni Mark.

Nu’ng nagsabi raw si Mark na kung puwedeng makasama niya si mystery girl sa kanyang music video ay nagbigay daw agad ng numero si mystery girl kaya agad siyang tinawagan ng binatang singer. Ang buong akala ni Mark ay manager o agent ang may-ari ng numero.

“Nagulat ako kasi tumawa siya nang magpakilala ako at nu’ng alamin ko kung siya ang manager, e, siya na pala mismo yung kausap ko, so personal number niya ‘yung binigay niya.

“Kung sakaling mapanood ninyo ‘yung music video ko ng ‘One More Try’ at may girl doon, malamang siya ‘yun,” tumatawang banggit ni Mark.

Miyembro ng Iglesia ni Cristo ang babaeng gusto ni Mark kaya tinanong siya kung sakaling akayin siyang maging miyembro.
“Actually, narinig ko nga ‘yan, pero hindi ko pa iniisip, pero kung sakaling doon nga patungo, open naman ako. Siguro kailangan kong pag-aralan, kailangan kong mag-research,” katwiran ni Mark.

At base sa one-on-one interview namin kay Mark tungkol sa mystery girl, “Gusto ko siyang makilala talaga, sana magkita kami, pero kung hindi, siguro hindi adya, pero kung makita, may ibig sabihin at handa naman ako kung anuman ‘yun.
“Base sa pagkita ko sa Instagram niya, ano, parang member siya ng choir sa INC,” say ni Mark.

At binanggit naming “mang-aawit” ang girl at may katungkulan siya sa Iglesia kaya hindi mababago ni Mark ang paniniwala ng babaeng gusto niya sakaling ito ang yayain niyang magpa-convert ng relihiyon.

“Ah talaga, pag ganu’n ba, hindi siya ang sasama sa akin kung sakali?” balik-tanong sa amin ni Mark na sinagot naming hindi dahil siya mismo ang kailangang magpa-convert sa pagka-Iglesia Ni Cristo.

Binanggit sa amin ni Mark ang isang younstar na miyembro rin ng INC na may rumored boyfriend ngayon at sinabi naming, kaya nga hindi nila inaaming sila kasi bawal makipag-relasyon sa hindi kaanib.

Binanggit sa amin ni Mark ang pangalan ng mystery girl na gusto niya at nangako kaming hindi namin ito isusulat, ni-research nga namin ang identity nito at nakita naming maganda nga, class at may TV commercial siya na madalas ipalabas. Sa obserbasyon namin ay kahawig ito ni Rachelle Ann Go na unang niligawan ng binatang singer noon bago ito naging girlfriend ni Christian Bautista.

Read more...