NAKITA uli ang husay ng Pilipinas sa poomsae taekwondo nang kumulekta ito ng dalawang ginto, apat na pilak at dalawang bronze medals sa 3rd Asian Poomsae Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Sina Vidal Marvin Gabriel, Dustin Jacob Mella at Raphael Enrico Mella ay nanalo sa male team under 30 years old habang si Jean Pierre Sabido ay nagkampeon sa male freestyle individual event.
Ang apat na pilak ay naihatid nina Sabido, Ernesto Guzman Jr. at Glenn Lava sa male team over 30; Gabriel at Juvenile Faye Crisostomo sa freestyle poomsae pair; Rani Ann Ortega, Ma. Carla Janice Lagman, Jaylord Seridon, Jeordan Dominguez at Lava sa freestyle poomsae; at Jocelyn Lyn Ninobia sa individual freestyle.
Nanalo din ng bronze sina Ninobia (freestyle individual) at Ortega, Lagman at Crisostomo (female under 30) para sa Pilipinas na tumapos sa pang-apat na puwesto overall.