Singil ng Meralco bababa ng P0.84/kWh


BABABA ng 84 sentimo bawat kiloWatt hour ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan. Sa inilabas na advisory ng Meralco, bababa ng P167.91 singil ang mga kumokonsumo ng 200 kWh; habang P251.86 sa mga kumukonsumo ng 300/kWh.

Nasa P335.81 naman ang ibababa sa singil ng mga kumukonsumo ng 400kWh, habang P419.76 naman ang ibababa ng mga kumukonsumo ng 500/kWh.

Ito ay bunga ng pagbaba ng 66 sentimos sa Generation Charge na siyang pinakamalaki. Bumaba naman ng 4 sentimos ang Transmission charge, 9 sentimos sa buwis at 5 sentimos sa iba pang singilin.

Hindi naman nagbago ang distribution charge na sinisingil ng Meralco. Sinabi naman ni Bayan Muna Rep.Neri Colmenares na ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod ng pagbabantay ng publiko sa presyo nito.

“Because of our Meralco petitions and the expose on their market abuse the energy players were forced to trim down their super profits a little.

Meralco and other power industry players now know that the people are watching and studying their every move. “We should continue this vigilance and in fact immediately report if these power industry players are passing on to us unwarranted charge,” ani Colmenares.

Read more...