Resbak ni Kris kay Bong: Pork Barrel po ang isyu, hindi ang pamumuno ni P-noy!


SUMAGOT agad si Kris Aquino sa naging privilege speech ni Sen. Bong Revilla sa late night show nilang Aquino & Abunda Tonight. Siyempre, ipinagtanggol niya ang kanyang kapatid na pangulo sa naging patutsada ng senador laban kay Pangulong Noynoy.

Hinamon kasi ni Sen. Bong si P-Noy na mas pagbutihin pa ang pagpapatakbo ng pamahaalan at ang paglutas sa mga problema ng bansa, at kalimutan na ang pagiging benggador, lalo na sa mga kalaban nila sa politika.

Resbak naman ni Kris, “This is not an issue about P-Noy and his presidency. This is an issue about the pork barrel, na thank God walang kinalaman si Noy doon.

“Malinis ang konsensiya ng kapatid ko kaya malakas ang loob niya na isulong ang paglilinis ng gobyerno,” paliwanag nito na ang tinutukoy nga ay ang pagkakasangkot ni Bong sa pork barrel scam.

Hirit pa ng Queen of All Media, “I want to respect that their family is going through, but I also have to respect my family, my brother.

To this day, 72 percent of the Filipino citizens say that he enjoys the trust and the support of the people, so let it be that.”
Chika pa ng TV host-actress, “Nabigyan siya (Bong) ng all that time, so kaparatan ko rin naman sabihin ko na, ako, bilib sa kapatid ko.

And pakiramdam ko, majority ng Pilipinas still agree with me. At yung two years na paulit-ulit, well, it’s still two years.”
At humirit pa siya ng isa laban kay Bong, “That’s why parang ano …I love Jinggoy (Estrada) kasi hindi ba sinabi ko nga, ‘silence is better than BS (bullsh**t)’.”

Samantala, inamin naman ni Kris Aquino na nakaka-relate talaga siya sa istorya ng kabit-seryeng The Legal Wife nina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales.

“I’m not the only one watching it. I think lahat ng kababaihan. The story talaga is something everybody can identify with. Lalo na at this point na nagpapa-annul, siyempre pinagdaanan ko so napi-feel ko siya,” chika ni Kris.

Alam naman ng buong mundo na hindi nag-work out ang kasal nina Kris at James Yap, na naging kontrobersiyal pa nga ang paghihiwalay dahil sa hatian ng kanilang properties.

Sey ni Kris, napi-feel niya ang pain ni Monica (Angel) sa kuwento ng serye, “Lahat tayo as a woman na na-disappoint tayo, na betray, nasaktan, kailangang magpakatatag. Kailangan ding tumayo bilang babae, bilang nanay.”

“May nabasa ako dati na kapag nabasag na ang isang relasyon, susubukan mong pulutin ang mga pira-pirasong nabasag, ikaw lang ang masusugtan. So minsan magandang walisin na lang ‘yan at mag-move forward.

Ang feeling ko lang si The Legal Wife (na matatapos na ngayong Biyernes) should get legally annulled and find her legal husband,” sey pa ng mommy ni Bimby.

( bandera.ph file photo )

Read more...