Miss Manila binuhay nina Erap at Loi para makapagpatayo ng bagong Dialysis Center


GAME na game na nakipag-pose si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada sa mga kandidata ng Miss Manila 2014 sa ginanap na press presentation nitong Lunes sa Diamond Hotel sa Roxas Blvd., Manila.

In fairness, magaganda at ang seseksi ng 30 official candidates sa Miss Manila 2014, bukod pa sa matatalino. Ito ay proyekto ng Lungsod ng Maynila, bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng Araw Ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Viva Entertainment, sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.

Ang mananalo sa beauty pageant na ito ay magwawagi ng P1 million in cash at iba pang bonggang premyo. Gaganapin ang grand coronation night sa June 24 sa Rizal Memorial Stadium.

Ayon kay Mayor Erap, ang proceeds ng proyektong ito ay mapupunta sa Dialysis Center ng MARE Foundation, Inc., isang non-profit institution na pinamumunuan ni dating Sen. Loi Ejercito-Estrada.

Kung matatandaan, nagpatayo na noon sina Mayor Erap at Sen. Loi ng dialysis center sa bisinidad ng Malacañang (noong pangulo pa ang aktor-politician) para sa mga mahihirap, pero ani Sen. Loi, But it isn’t there anymore.”

At umaasa sina Mayor Erap na ang Dialysis Center na itatayo ng MARE Foundation ay magtagal para mas marami pang matulungan.

Dagdag pa ni Sen. Loi, “It has been my advocacy ever since even when I was still a Senator to put up dialysis centers all over the country and it is my dream for all government hospitals to have their own dialysis centers, But for now, we’re focusing on Manila first.”

Sa tanong kung magkakaroon din ba ng beauty pageant para sa mga bading ang Maynila, tugon ni Mayor Erap, “There will be another pageant for that in December.  It is called Gaynilad, I heard.”

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga pumasok sa final 30 ng 2014 Miss Manila. Sila ay sina Katrina Reyes, Lori Ann Mei Lontoc, Nikki Udani, Queenie Bautista, Samantha Page Haire, Kayesha Clauden Chua, Julian Avrine Flores, Ruth Sabrina Linganay, Angelia Gabrena Ong, Alexandra Adbon, Agatha Lei Romero, Leona Paula Santicruz, Justine Felizarta, Mharyel Tapia, Allhia Charmaine Estores, Susane Samantha Stefanowitz, Bernadette Paez, Princess Angela Abella, Alyssa Jasareno, Nina Ricci Manangan, Judy Chua, Shymain Macaso, Jennifer Ann Mangarin, Ana Catherine Louise Langitan, Krischelle Halili, Mary Monique Angelika Trinidad, Michelle Abcede, Arielle Tumanut, Cheska Laurente at Shiela Mae Morales.
This pageant is presented by International Container Terminal Services, and co-presented by Lucky China Town.

( Photo credit to EAS )

Read more...