Galaw ng Numero: 9 at 2 ang mahiwaga

Dear David,
GUSTO ko sanang magkaroon ng mahihiwagang numero na bu-mabalot sa aking buhay. Naoperahan ako at tinanggal ang isa kong kidney. Nagpapagaling ako pero natanggal na ako sa trabaho.

Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ipina-nganak ako noong Hulyo 18, 1975.

May konti pa akong naiipon at balak kong ipuhunan ito. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres, 4-digit at lotto.
MIGUEL NG
ILIGAN CITY

Dear Miguel,
SOBRA-sobra ang lakas ng iyong loob, determinasyon at tapang. May malaking tiwala ka sa sarili mo, pero ang lahat ng sobra ay masama.

Madalas mo kasing akalain na magagawa  mong maipatupad ang anumang idea na pumasok sa iyong isip hanggang sa bandang huli ay natutuklasan mong ikaw pala ay bigo!

Kung plano mong magnegosyo, magsimula ka sa maliit lang, at kapag natantiya mong magkiklik ay saka mo dagdagan ng capital.

Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa apoy. Taglay mo kasi ang mahiwagang No. 9.

Naiimpluwensiyahan ka rin ng mahiwagang No. 2 na nagsasabi na kaila-ngang paramihin mo ang iyong mga kaibigan na siyang makakatulong sa mabilis mong pag-unlad.

Okey sa iyo ang snack bar o restaurant.

Pagluluto ng mga pagkain, paggawa ng tinapay, cake o kendi at iba pang tsitsirya. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong , 2013 at 2016 kung saan matutupad ang marami mong pa-ngarap kabilang ang matatag na kabuhayan.

Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Agosto at Enero lalo na sa mga petsang 3, 7, 12, 15, 23, at 27 lalo na’t natatapat sa araw ng Sabado at Miyerkules. Kulay pula at berde ang buwenas mo.

Sa suertres, isama mo sa No.9 at No. 2 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-4-22-27-34-35-40-42.
ASSET tips: 3-6-1/ 8-2-5/ 8-6-2. Wiretips: 7-9/ 1-5/ 7-2. Double digit: 3-7/ 3-6/ 2-7. Luzon guide: 1-4-11-18-23-26-34-36-40-42. VisMin: 5-8-11-19-23-24-34-36-40-42. MegaLotto: 1-3-11-17-22-28-34-36-40-42. Four Number: 3-4-3-7/ 8-5-6-2/ 8-9-2-2. Grand Lotto: 2-6-11-18-23-25-34-37-40-46-50-54.  Four Number: 3-2-5-2/  3-2-5-0/ 8-9-3-3

Read more...