Buboy nasarapan, natulala sa halik ni Sam Pinto

Sa trailer ng “Hitman”, ang latest action movie ni Cesar Montano, medyo maiinit ang kanilang mga eksena ng kanyang leading lady na si Sam Pinto.

May halikan sila at meron pang bed scene.

Kaya ang tanong kay Buboy sa presscon ng pelikula kahapon, kung ano raw ba ang lasa ng lips ni Sam? Nu’ng una hindi agad sinagot nang diretso ni Cesar ang tanong, aniya,

“Bilib ako sa professionalism ni Sam, kahit hirap na hirap na siya sa mga eksena namin, game na game pa rin siya. Kahit ilang beses namin siyang paiyakin, okay lang sa kanya. Kaya bilib ako sa kanya!”

Pero nang biglang sumabat ang kontrabida sa pelikulang “Hitman” na si Phillip Salvador, ibinuking nito na talaga raw natulala si Buboy pagkatapos ng kissing scene nila ni Sam.

Grabe raw ang eksenang ‘yun, talaga raw hindi agad naka-recover si Cesar pagkatapos ng halikan nila ni Sam.

Nu’ng tinanong naman si Sam kung ano ang masasabi niya sa kiss ni Cesar, ang tanging nasagot ng dalaga, “Okay naman po.

Tsaka, professional naman po ang lahat, kaya hindi naman ako masyadong nahirapan. Very gentleman naman po siya.”

In fairness, mukhang promising nga ang “Hitman” produced by CM Productions dahil after ng success ng “Asiong Salonga” sa nakaraang MMFF, siguradong mataas pa rin ang energy ng mga Pinoy sa panonood ng action movies.

We’re positive na magtutuluy-tuloy ang swerte ng action film sa mga sinehan.

Makakasama  sa “Hitman” sina Mark Herras, Joko Diaz, Ricky Davao at Diego Montano. Showing na ito sa Feb. 22 nationwide. Si Cesar din ang direktor nito.

Read more...