Ayon sa ex-boyfriend ni KC Concepcion, umaasa pa rin siya na makikita niya ang taong pakakasalan niya at makakasama habangbuhay.
Sa isang TV interview, sinabi ni Piolo kung noon daw ang ideal age niya for getting married ay 30 to 35 years old, pero ngayon daw, “Baka kapag 40 na ako, pwede na ‘yan!”
Chika pa ni PJ, naniniwala siya na one day ay darating din ang taong ihaharap niya sa altar, at very positive din siya na may nakalaan din na isang tao para sa kanya.
“Hindi ko naman hahayaan na tumanda sa buhay ako na wala akong pamilya.
And I’m excited to start a family and it will come in God’s perfect timing,” ang say pa ni PJ.
MOST READ
LATEST STORIES